Martes, Pebrero 4, 2014

Hindi Masakit! :P




Talaarawan,

  Bago mag simula ang talakayan bumunot si Mam ng mag babasa para ngayong araw at si Saliot ang maswerteng nabunot :). Matapos iyon ay pinakuha kami ni Mam ng isang papel , sinulat namin dito ang aming pangalan at pangarap matapos iyon ito ay ginawa naming bangka, medyo nalito pa nga ako nung una nakalimutan ko na kasi paano gawin yun , eroplano pa san yung magagawa ko XD.
 Matapos naming gawin iyon ay binasa namin ang akdang "Bangkang Papel" , nag karoon rin kami ng pangkatang gawain tungkol dito.

 Nang sumapit ang uwian ay hindi muna kami umuwi, mga ala-una na nang maisipan naming umuwi tsaka kasi dadaan pa kami nila Carol at Bernard para mag paturok ng  Anti-Tigdas :D. Medyo kabado lang , nung Grade 5 pa kasi nung huli akong nag paturok ng mga ganyan XD. Haha di kaya masakit -_-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento