Linggo, Marso 16, 2014

Wasabe (WalaMasabeXD)




Talaarawan,

   Maaga akong nagising dahil na rin siguro ang haba ng tulog ko kagabi, di tuloy ako nakanuod ng palabas sa telebisyon! -_-
Mga tanghali ay pinag patuloy ko ang pag update ng aking blog, dito lang ulit ako sa pisonet para medyo tipid (ngaba?). Hanggang ngayong araw ang inapdate ko para masaya! XD

Sabado, Marso 15, 2014

Sabado ^.^




Talaarawan,

   Ngayong araw ay Inapdate ko na ang aking blog, matagal na kasi akong di nakakapag update eh.
Dito lang ako sa PisoNet para mahaba yung oras, piso 9-minutes :)) kaso medyo mabagal ang internet eh -_- pero keri naman :P.
Di ko naman natapos ang pag update dahil ako ay naubusan ng barya bukas na lang ulit :)) ciao! ;)

Biyernes, Marso 14, 2014

Ikaapat na Markahang Pagsusulit (PartII)




Talaarawan,

   Ngayong araw ang pangalawang araw ng aming pagsusulit at ngayon din ang sulian ng libro namin, malapit na talaga matapos ang school year 2013-2014! :(.
   Ang una naming tinest ay Filipino sunod ang English, T.L.E. at Mapeh. Ngayon din ay pinaliwanag ni Sir Inahid ang tungkol sa pag susulit para makapasok sa pilot section sa fouth year. Sinabi niya na rin na kung hindi magulang ang mag babayad para sa Camp pwedeng gumawa ng sulat at xerox ng I.d ng aming magulang, syempre nagalak naman kami kasi pwede ng di pumunta ang magulang :D.

Huwebes, Marso 13, 2014

Ikaapat na markahang pagsusulit :)




Talaarawan,

        Ngayong araw ang aming ikaapat na markahang pagsusulit. Ang aming tinest ay ang mga asignaturang  Chemistry, A.P., Values at Math. Nauna kaming pinalabas dahil nga nag test lang kami , pero di agad kami umuwi ng iba kong kaklase pumunta muna kami kila Shenna Movie Marathon daw XD Kaso Korean yung pinanuod kaya wala ako sa mood manuod :). Di na namin ito tinapos dahil umuwi rin kami agad dahil nga may pag susulit pa bukas.

Miyerkules, Marso 12, 2014

Bagong Room na naman :)



 Talaarawan,

     Bago na naman ang aming Silid Aralan!! =) pang limang lipat na po ito XD (NPR) No Permanent Room ang 3-Diamond :D. Sa room ng fourth year ang bago naming room.
Ngayong araw ay halos puro review kami dahil bukas na ang aming Periodical Test O.o.
Sa oras ng Filipino ay hindi nag turo si Mam dahil kailangan niyang umalis pero nag iwan siya ng gawain kung saan kami ay gumawa ng sulat para sa aming kaklase o para sa buong III-diamond. Nang sumapit ang uwian ay umuwi rin ako agad, gumawa na rin ako ng Rebyu at ito ay pinost sa aking blog.
Ang ginawan ko ng Rebyu ay ang pelikulang "Starting Over Again" at "Avah Maldita" na isinulat ni Simply Chummy

Suring Pampelikula; Starting Over Again ni Olivia Lamasan


Suring Pampelikula; Starting Over Again ni Olivia Lamasan 




   "I Deserve an explanation.. I deserve an acceptable reason" isang sikat na linya ni Piolo Pascula (Marco) sa palikulang ito sa direksyon ni Olivia Lamasan na kumita ng 360 million pesos.
  Pinag bibidahan ito nina Toni Gonzaga bilang Ginny, Piolo Pascual bilang Marco at Iza Calsado bilang Patty. Si Ginny ay isang Architecture Student samantalang si Marco ay History Professor. Naging sila sa loob ng limang taon, nais maging Chef ni Marco  kaya't nag plano silang mag bukas ng "Restaurant" pero si Ginny ay gustong papuntahin ng kanyang Ina sa ibang bansa para sa Master Degree sa Architecture kaya hindi niya tinanggap ang "Wedding Proposal" ni Marco. At sabi rin ng Ina ni Ginny ay wala siyang mapapala kay Marco dahil tulad lang ito ng kanyang Ama, kaya doon napilitan siyang iwanan si Marco. Makalipas ang ilang taon bumalik si Ginny sa bansa at muli silang nagkita ni Marco na isa ng Chef at tinutuloy ang pag tatayo ng Restaurant. Si Ginny ang Architecture sa ginagawang restaurant ni Marco, ngunit si Marco ay may bago nang kasintahan na si Patty (Iza Calsado). Sa huli na kwento , hindi man nag katuluyan sina Marco at Ginny masasabi kong "Happy Ending" pa rin ito dahil nag kaayos sila at naka"move-on" na din si Ginny. Ang pelikulang ito ay hindi lang nakakakilig ito'y nakakatawa at nakakaiyak din. May bahagi lang na nakakainis , ang wakas dahil hindi nga sila nag katuluyan, akala ko kaya "Starting Over Again" ang pamagat dahil mag sisimula silang muli matapos ang pag hihiwalay nila, yun pala ay mag sisimula sila ng panibagong ngunit hindi na sila ang mag kasama.
   Nakakatuwa naman ang wakas nito dahil sa dami ng nakasalubong na lalaki ni Ginny, sa huli nakatagpo niya ang kanyang karelasyon sa totong buhay :). Sa pelikulang ito matututunan ng manonood  na dapat matuto tayong magpalaya sa mga taong hindi talaga para sa atin at dapat matutong mag move-on. Ang pelikulang ito at para sa mga taong hindi pa nakaka "move-on" sa kanilang natapos na relasyon dahil palagay ko sila ay makaka"relate" sa pelikula.

Suring Basa : Avah Maldita ni SimplyChummy


Suring Basa : Avah Maldita ni SimplyChummy 

   "Oh, Aarte pa?" isang pamosong linya ni Avah Chen, ang half-Chinese at pure maldita. Ito ay mula sa "Wattpad" na isinulat ni SimplyChummy. Ang kwentong ito ay umiikot sa kamalditahan ni Avah at tungkol sa nais nyang pag hihiganti sa kapatid. Si Avah ay galing sa mayaman na pamilya at siya ang namamalakad ng paaralan ng kanyang pamilya kung saan ang mga estudyante ay tinatawag niyang "Stupident'' o "Stupid Student" dahil sa mga ugali nito. Sa daloy o ikot ng kwento nalaman ko ang tunay na dahilan kung bakit talaga siya naging maldita , dahil hindi naman talaga siya maldita noon nangyari lang ito dahil sa galit niya sa kanyang Ate na si Avy dahil gusto niyang mag higante,si Avy ay kasama ng kanilang magulang sa China na ayon kay Avah doon nag papayaman. May galit din si Avah sa kanyang  magulang dahil sa hindi paniniwala sa kanya at piniling paniwalaan ang kasinungalingan ng kanyang kapatid. Pero kahit na ganoon ang ugali ni Avah ay mayroon pa rin siyang mag kaibigan, sa daloy ng kwento nakilala rin niya ang tinatawag niyang  "Nerd" dahil sa pananamit nito na si Hannah na kapatid din ng naging kasintahan niyang si Neo. Sa huli ng kwento ay nag kaayos din sina Avah at Avy at nag kabati din ang matalik na magkaibigang sina Mikee ang kaibigang bakla ni Avah na guro sa kanyang paaralan at si Avy.
  
    Sa kabuuan ng kwento, ito ay aking nagustuhan dahil sa tema nito, dahil ang bida ay maldita at parang siya ang kontrabida sa buhay ng ibang tao. Gusto ko ang kwento nito dahil sa ugali ng bida , hindi siya katulad ng bida sa ibang kwento. Nagandahan rin ako sa kwento dahil halos bawat kabanata ay may aabangan kang kamalditahan ni Avah minsan kasi nakakatawa ang pag mamaldita niya. Nagustuhan ko ito dahil sa pag kanatural ng pag papatawa kahit sa paraan ito ng pag-mamaldita.Ang ayaw ko lang sa kwento ay ang sobrang pag mamaldita ni Avah na umaabot na sa puntong kahit matanda ay di niya pinalalampas na sa tingin ko ay wala namang ganun sa totoong buhay.

   Aral na makukuha sa kwento? Sa tingin ko ay mayroon naman itong aral, hindi ang pagiging maldita kundi dapat maging totoo tayo, matuto tayong humingi ng tawad at mag patawad, at walang naidudulot na maganda ang pag hihiganti. Natutunan ko sa kwento na kahit sino ka pa at ano pa ang ugali mo may magmamahal at tatanggap pa rin sayo. Sa palagay ko magugustuhan rin ito ng ibang mambabasang tulad ko na mahilig sa kakaiba at nakakatuwang kwento.