Miyerkules, Marso 12, 2014

Suring Pampelikula; Starting Over Again ni Olivia Lamasan


Suring Pampelikula; Starting Over Again ni Olivia Lamasan 




   "I Deserve an explanation.. I deserve an acceptable reason" isang sikat na linya ni Piolo Pascula (Marco) sa palikulang ito sa direksyon ni Olivia Lamasan na kumita ng 360 million pesos.
  Pinag bibidahan ito nina Toni Gonzaga bilang Ginny, Piolo Pascual bilang Marco at Iza Calsado bilang Patty. Si Ginny ay isang Architecture Student samantalang si Marco ay History Professor. Naging sila sa loob ng limang taon, nais maging Chef ni Marco  kaya't nag plano silang mag bukas ng "Restaurant" pero si Ginny ay gustong papuntahin ng kanyang Ina sa ibang bansa para sa Master Degree sa Architecture kaya hindi niya tinanggap ang "Wedding Proposal" ni Marco. At sabi rin ng Ina ni Ginny ay wala siyang mapapala kay Marco dahil tulad lang ito ng kanyang Ama, kaya doon napilitan siyang iwanan si Marco. Makalipas ang ilang taon bumalik si Ginny sa bansa at muli silang nagkita ni Marco na isa ng Chef at tinutuloy ang pag tatayo ng Restaurant. Si Ginny ang Architecture sa ginagawang restaurant ni Marco, ngunit si Marco ay may bago nang kasintahan na si Patty (Iza Calsado). Sa huli na kwento , hindi man nag katuluyan sina Marco at Ginny masasabi kong "Happy Ending" pa rin ito dahil nag kaayos sila at naka"move-on" na din si Ginny. Ang pelikulang ito ay hindi lang nakakakilig ito'y nakakatawa at nakakaiyak din. May bahagi lang na nakakainis , ang wakas dahil hindi nga sila nag katuluyan, akala ko kaya "Starting Over Again" ang pamagat dahil mag sisimula silang muli matapos ang pag hihiwalay nila, yun pala ay mag sisimula sila ng panibagong ngunit hindi na sila ang mag kasama.
   Nakakatuwa naman ang wakas nito dahil sa dami ng nakasalubong na lalaki ni Ginny, sa huli nakatagpo niya ang kanyang karelasyon sa totong buhay :). Sa pelikulang ito matututunan ng manonood  na dapat matuto tayong magpalaya sa mga taong hindi talaga para sa atin at dapat matutong mag move-on. Ang pelikulang ito at para sa mga taong hindi pa nakaka "move-on" sa kanilang natapos na relasyon dahil palagay ko sila ay makaka"relate" sa pelikula.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento