Biyernes, Marso 7, 2014

Paggawa ng Rebyu.



 Talaarawan,

   Ngayong araw ay nag basa ang ilan sa aking kaklase ng mga nahanap nilang rebyu. 
Matapos iyon ay pinag-aralan namin ang mga dapat laman ng isang rebyu .
Nag karoon kami ng gawain kung saan gumawa ulit kami ng rebyu , ang napili ko naman ngayon ay ang pelikulang "Crazy little thing called LOVE" ^_^.
Sinabi rin ni Mam na kailangan naming gumawa ng isang rebyu ng Pelikula o Akda at ito ay ipopost namin sa aming Blog, para iyon sa may mga blog at sa mga wala namn ay isusulat nila sa bond paper.

2 komento:

  1. Kumusta?

    Gabi na naman, tila ika’y gising pa’t

    ‘di ka parin dinadapuan ng antok?

    Yan ang esksena gabi

    -gabi. Sa tuwing

    lulubog ang araw at matatapos ang

    trabaho, kahit pagod maghapon ay hindi

    parin makatulog, pikit ang aking mga

    mata pero gising ang diwa.

    Sa Aking

    Paglisan.

    Sa panulat ni Maestro Amiel P. Alfonso

    Ito’y dahil sa pag iisip nang labis sa mga bagay

    -bagay sa

    mundong aking kinagalawan. Napaisip narin minsan kung normal pa ba

    ako’t Bakit ako nagkakaganito? Nakakatulog pa naman, pero hindi normal

    na bilang ng oras ng dapat na tulog. Sa bawat paghiga a’t pagpikit nga

    mga mata’y laging pumapasok sa isipan ang paulit

    -ulit na katanungan.

    "Ganito nalang ba ako habang buhay?". Sa harap ng mga taong

    nakapiligid pinapakita kong ako’y ayos lang. Tatawa lang at madalas

    kalmado, ngunit sa kabilang mga ngiti’t huwad na tawa ay may

    nagkukubling kalungkutan. Mga luhang ako lang madalas ang

    nakakaalam.

    “Magiging ayos din ang lahat...” yan ang panay kong bukang bibig para sa

    iba’t mga kasama.

    Minsan naring akong nanaginip; nawala ako. Nakakalungkot

    lang isipin dahil tila walang naghanap. Nasan nga ba ako o kumusta ang

    lagay ko? Walang nagtanong wari walang may pakialam. Paggising ko’y

    puno ako ng takot. Papaano kung ganun nga talaga. Sa pagkawala ko’y

    wala narin ako. Sana ‘pag dumating ang paglisan ay maging makabuluhan

    ang buhay na aking iiwan. Minsan pang alalahanin ako; higit sa mga

    duda at pagkakamali. Alalahanin ako sa ang mga pinagsaluhang tawa at

    ngiti. Hindi man natin alam ang dala ng bukas, balot man to ng takot at

    tanong… alalahanin ang aking bukang bibig “Magiging ayos din ang lahat”

    sa oras ng aking paglisan.

    TumugonBurahin