Lunes, Marso 3, 2014

Talaarawan(March3,2014)




 Talaarawan,

    Maaga akong gumising para pumasok dahil may Flag Ceremony ngayon. Sa oras ng Math habang nag rereview ay may naibahaging kwento si Ginang Santos tungkol sa nangyari noong huwebes, dahil may nag interview daw sa kanya na dati niyang mga estudyante tungkol syempre sa Math, matapos iyon ay pinag patuloy na namin ang pag rereview.
Sa oras ng Filipino ay wala si Mam kaya't maingay na naman ang 3-Dyamante XD. Maya-maya ay pumasok si Mam Manlagnit at dahil wala kaming guro ay inanunsyo na niya ang tungkol sa Camp sa Zambales :), kailangan pala Magulang ang magbabayad para makasama. Nang sumapit ang uwian ay umuwi ako agad kasi maraming takdang aralin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento