Miyerkules, Marso 12, 2014

Suring Basa : Avah Maldita ni SimplyChummy


Suring Basa : Avah Maldita ni SimplyChummy 

   "Oh, Aarte pa?" isang pamosong linya ni Avah Chen, ang half-Chinese at pure maldita. Ito ay mula sa "Wattpad" na isinulat ni SimplyChummy. Ang kwentong ito ay umiikot sa kamalditahan ni Avah at tungkol sa nais nyang pag hihiganti sa kapatid. Si Avah ay galing sa mayaman na pamilya at siya ang namamalakad ng paaralan ng kanyang pamilya kung saan ang mga estudyante ay tinatawag niyang "Stupident'' o "Stupid Student" dahil sa mga ugali nito. Sa daloy o ikot ng kwento nalaman ko ang tunay na dahilan kung bakit talaga siya naging maldita , dahil hindi naman talaga siya maldita noon nangyari lang ito dahil sa galit niya sa kanyang Ate na si Avy dahil gusto niyang mag higante,si Avy ay kasama ng kanilang magulang sa China na ayon kay Avah doon nag papayaman. May galit din si Avah sa kanyang  magulang dahil sa hindi paniniwala sa kanya at piniling paniwalaan ang kasinungalingan ng kanyang kapatid. Pero kahit na ganoon ang ugali ni Avah ay mayroon pa rin siyang mag kaibigan, sa daloy ng kwento nakilala rin niya ang tinatawag niyang  "Nerd" dahil sa pananamit nito na si Hannah na kapatid din ng naging kasintahan niyang si Neo. Sa huli ng kwento ay nag kaayos din sina Avah at Avy at nag kabati din ang matalik na magkaibigang sina Mikee ang kaibigang bakla ni Avah na guro sa kanyang paaralan at si Avy.
  
    Sa kabuuan ng kwento, ito ay aking nagustuhan dahil sa tema nito, dahil ang bida ay maldita at parang siya ang kontrabida sa buhay ng ibang tao. Gusto ko ang kwento nito dahil sa ugali ng bida , hindi siya katulad ng bida sa ibang kwento. Nagandahan rin ako sa kwento dahil halos bawat kabanata ay may aabangan kang kamalditahan ni Avah minsan kasi nakakatawa ang pag mamaldita niya. Nagustuhan ko ito dahil sa pag kanatural ng pag papatawa kahit sa paraan ito ng pag-mamaldita.Ang ayaw ko lang sa kwento ay ang sobrang pag mamaldita ni Avah na umaabot na sa puntong kahit matanda ay di niya pinalalampas na sa tingin ko ay wala namang ganun sa totoong buhay.

   Aral na makukuha sa kwento? Sa tingin ko ay mayroon naman itong aral, hindi ang pagiging maldita kundi dapat maging totoo tayo, matuto tayong humingi ng tawad at mag patawad, at walang naidudulot na maganda ang pag hihiganti. Natutunan ko sa kwento na kahit sino ka pa at ano pa ang ugali mo may magmamahal at tatanggap pa rin sayo. Sa palagay ko magugustuhan rin ito ng ibang mambabasang tulad ko na mahilig sa kakaiba at nakakatuwang kwento.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento