Lunes, Marso 10, 2014

ABNKKBSNPLAko ?!



 Talaarawan,

     Lunes na naman :)
     Ngayong araw ay wala kaming guro sa oras ng Math at Values , sa oras ng Math ay pinag patuloy namin ang aming Unit Test. Sa oras ng Values ay wala kaming ginawa kaya ayun maingay na naman ang 3-Diamond (May Bago ba? x). Nag kwentuhan lang kami ng aking mga katabi tungkol sa mga nabasa naming kwento sa Ebook at Wattpad :D Ginawa pa akong story teller ni Rosabelle -_- XD
    
    Sa oras ng Filipino ay nagbasa muna ng tula sila Lapuz at Calims na inaalay niya daw kay Collarga (Haba ng hair! nag rejoice kaba girl? XD). Matapos iyon ay nag bigay si Mam ng halimbawa ng rebyu na patalata, rebyu ito sa pelikulang "Bata, bata paano ka ginawa?".
Pinagawa kami ni Mam ng rebyu na patalata , at ang napili ko namang gawan ng rebyu ay ang pelikulang "It takes a Man & a Woman" ^.^.
   
     Sa oras ng T.L.E. ay wala kaming guro kaya maingay naman -_- habang nag ki-quiz kami. Nang uwian ay dumaan muna kami nila Carol sa Pagrai para bumili ng bala ng  "ABNKKBSNPLAko" at "Starting Over Again" . Pag kadating ko sa bahay pinanuod ko yung  
 "ABNKKBSNPLAko" ni Bob Ong :)) tsaka ko ginawa ang aming
 Takdang Aralin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento