Biyernes, Pebrero 7, 2014

Talaarawan (Feb.7,2014)



  Talaarawan,


   Ngayong araw sa oras ng Filipino, tulad ng nakagawian bago mag simula ang talakayan ay bumunot si Mam ng mag babasa ng tula o sanaysay kaso marami na ang nabubunot puro wala, kaya ako kabado baka mabunot eh :) at ang huling nabunot ay si Nodado na katabi ko, ang haba pa naman ng tula nya labing isang taludtuod :D. Matapos niyang mag basa ay nagkaroon kami ng gawain kung saan kami ay gagawa ng liham o mensahe para sa ating Pangulo ng Pilipinas, ito'y tungkol sa mga suliraning nakapaloob sa kwentong "Bangkang Papel". Nang kami ay matapos ay muling bumunot si Mam ng mag babasa ng tula at ang maswerteng nabunot naman ay si Orozco (WhatACoincidence?!) katabi ko rin kasi siya eh, bale ako na lang sa linya namin ang babaeng di pa nabubunot , KALOKA! O.o

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento