Huwebes, Enero 23, 2014

Agad-agad ?? O.o



 Talaarawan,

   Ngayong araw sa oras ng Filipino ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain , ang naatas sa aming grupo ay kailangan naming gumawa ng story grammar. Si Mam ang namili ng mag - uulat sa bawat grupo sa aming grupo ang pinag ulat ay si Jason, Omandac at Moreno. Medyo magulo ang ulat nila, lalo na kay Jason dahil may mga sinasabi syang parang hindi naman nabanggit sa kwento XD.
 Nang mag uwian ay hindi agad kami nauwi dahil kami ay Canteener nina Medalla, Hablero at Nodado. Habang nag hihintay ay nag kwentuhan muna kami, nakipag kwentuhan din ako sa mga kaklase ko noong Ikalawang Taon. Nakwento nila sa akin na magkakaroon daw kami ng Reunion, agad-agad?! -_- di ko pa nga sila namimiss XD, Galak naman sila masyado =) pero ayos lang naman din sa akin iyon.
Mga alas dos ay nag punta na kami sa Canteen. Alas kwatro na rin ng kami ay makauwi, bad trip lang kasi nag abono kami -_- .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento