Martes, Enero 7, 2014

Talaarawan (Jan.7,1014)



 Talaarawan,


   Isang araw bago ang ikatlong markahang pagsusulit, marami rin kaming kailangang ipasa sa aming mga guro. Pinasa namin ang portpolyo namin sa asignaturang Chemistry at T.L.E., nagkaroon kami ng pagsusulit sa Values. Sa oras ng Filipino ay tinalakay namin ang uri ng tunggalian sa Noli Me Tangere at ang simbolismo. Sa oras ng T.L.E ay itinama namin ang aming nakaraang pag susulit nang wala na kaming ginagawa  ay pinakuha kami ni Mam ng kalahating papel at pinasulat kami ng aming New Year's Resolution.
Matapos ang mahabang oras sa wakas ay uwian na rin! :))
kumain lang ako at  ginawa ko ang ilang takdang aralin matapos iyon ay nanuod lang ako ng telebisyon. =)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento