Biyernes, Enero 24, 2014

Kapagod! -_-


 Talaarawan,

   Ngayong araw na ito sa oras ng Mapeh ay nag P.E kami, grabe! nakakapagod yun ha!
Nang sumapit ang oras ng Filipino ay muli naming tinalakay ang tungkol sa "Ang Kalupi". Nag karoon rin kami ng gawain kung saan kami ay gumawa ng kwento gamit ang binigay na impormasyon na nakapaskil sa pisara.
Ang aking kwento ay pinamagatan ko ng "Ang Kwintas ni Kapatid" XD.
Nang mag uwian ay hindi agad kami umuwi nila Medalla dahil sinamahan namin si Latigay na mag research ng aming takdang aralin.
Matapos iyon ay naubos pa rin ang pera ko kahit di naman aako nag internet, bili kasi sila ng bili ng pagkain at nagagaya ako -_-.
Maya-maya'y naisipan na rin naming umuwi bago pa maubusan ng pamasahe ;)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento