Sabado, Enero 18, 2014

Kapareha XD



 Talaarawan,

   Ngayong araw ay nagkaroon kami ng ensayo para sa sayaw ng mga kagrupo ko, sa tapat lang ng paaralan kami nag ensayo . May ibang kagrupo kong lalaki ang hindi pumunta, isa na ang aking kapareha kaya't si Lovely na lang muna ang pumareha sa akin dahil wala din naman yung kapareha nya (paulit-ulit yung "Kapareha"? XD). Natapos din kami agad dahil onti na lang ang dinagdag na steps, at mas maayos ngayon ang practice namin kesa nung nakaraang araw. May isang grupo rin kaming nakasabay pero hindi agad sila natapos kaya inantay ko na lang para may makasabay ako pauwi. Inabot na sila ng alaskwatro kaya nag pasya na silang umuwi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento