Huwebes, Enero 16, 2014

Talaarawan(Jan.16,1014)



 Talaarawan,


    Huwebes na ! ang bilis talaga ng araw. Maaga akong gumising para pumasok kahit nung una ay medyo tinatamad pa ako bumangon dahil sobrang lamig at masarap matulog.
Sa oras ng Mapeh ay pinag usapan ng bawat grupo ang tungkol sa aming sasayawin, bawat grupo ay may kanya kanyang sasayawin sa aking grupo ay Varsovienne. Medyo madali lang naman  iyon, halos puro paa lang ang pagtutuunan ng pansin. Sa oras ng Filipino ay may binasa si Mam na isang liham na galing sa magulang para sa kanilang anak, ayon kay Mam isang pari ang sumulat nito. Matapos iyon ay nagkaroon kami ng gawain kung saan kami ay gumawa ng liham para sa aming magulang partikular sa aming mga Ina.
  Nang mag uwian ay nagkaroon kami ng ensayo para sa aming sayaw sa Mapeh kasama ang aking mga kagrupo. Medyo nagirapan pa ako nung una pero nakuha ko rin naman din agad. Mga alas tres na ng mapagpasyahan naming umuwi at bukas sa lang ito ipagpatuloy. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento