Martes, Enero 21, 2014

Talaarawan(Jan.21,2014)



 Talaarawan,

   Ngayong araw sa oras ng MAPEH ay pinresinta na namin ang aming sayaw. Maayos naman ang kinalabasan nito, kaso nga lang ang tangkad ng kapareha ko ! wala kasi si Ian -_-.
Pangalawa daw ang aming grupo sa nakakuha ng mataas na marka na binigay ni Mam.
Nang sumapit ang oras ng Filipino ay tinalakay namin ang maikling kwentong "anag Kalupi" sa pamamagitan ng pagsasalaysay o pagbabasa ng kwento ni Erin habang ginagampanan ng iba kong kaklase ang ibang tauhan dito. Mabilis naman sumapit ang oras ng uwian.
Matapos kumain ay  ginawa na rin ang Takdang Aralin.
Maaga naman akong dinalaw ng Antok dahil siguro sobrang aga ko nagising kaninang umaga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento