Lunes, Enero 20, 2014

Ang Lamig ! -_-



 Talaarawan,

   Lunes na naman :) maaga akong gumising pero hindi agad ako bumangon at naligo, pano sobrang lamig ! nakakatamad bumangon XD. 4:30 na ng maisipan kong bumangon. Nang makarating ako sa paaralan ay nakapila na ang mga estudyante para sa Flag Ceremony, Hoo! Muntikan pa kong mahuli. Nagkaroon kami ng exibit sa oras ng Math, matapos iyon ay wala na kaming ginawa. Nang sumapit ang oras ng Filipino ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain kung saan kami ay gagawa ng tulang pandamdamin. Ang tema ng aming grupo ay pagmamahal sa mga Lolo't Lola, bawat isa sa amin ay gumawa ng isang saknong.
   Nang mag-uwian ay nagkaroon kami ulit ng ensayo ng sayaw namin sa MAPEH. Ayos naman ngayon ang aming ensayo, ito na rin ang huling ensayo dahil bukas na namin ito ipepresenta. Natapos din kami agad pero hindi agad umuwi at nakipagkwentuhan muna ako sa iba kong kaklase, habang nanunuod ng ensayo ng ibang grupo. Bago umuwi ay dumaan muna kami sa Computer Shop para mag paprint ng aming Takdang Aralin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento