Lunes, Enero 6, 2014

Paukan na naman ! :)



 Talaarawan,


  Matapos ang dalawang linggong bakasyon, balik eskwelahan na naman kami :)
Maaga akong gumising at pumasok para hindi mahuli sa flag ceremony. Medyo inaantok pa nga ako sa mga naunang asignatura dahil na rin siguro medyo nasanay lang ako na mga ganong oras ay tulog pa ako. Nag balik aral lang kami sa ibang asignatura at ang iba nama'y tinuro ng aming guro ang mga ilang aralin dahil sa huwebes at byernes na ang aming ikatlong markahang pagsusulit. Sa oras ng Filipino ay nagkaroon kami ng gawain kung saan sumulat kami ng repleksyon sa  mga nangyari sa amin noong nakaraang taon at ang nais naming baguhin ngayong bagong taon . Nang mag uwian ay umuwi ako agad para makakain dahil gutom na ako :D. Nang makauwi kumain na ako at nagpahinga saglit, ginawa ko na rin ang portpolyo sa dalawang asignatura at ginawa na ang aking mga takdang aralin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento