Lunes, Enero 13, 2014

Ikaapat na markahan na! :)



 Talaarawan,

 Ngayong araw ang simula ng ikaapat na markahan, maaga akong gumising para makapasok ng mas maaga dahil may flag ceremony kami at ngayon din ang lipat namin sa bagong silid aralan, kung saan dating nagkaklase ang pangkat lima.
Itinama namin ang aming ikatlong markahang pagsusulit sa ibang asignatura. Samantalang sa oras ng Values ay nagturo naman ang Student Teacher na kasama ni Ginang Uy. Sa oras ng Filipino ay may gawain kami tungkol sa tulang "Ang Pamana" ni Jose Corazon De Jesus, kung saan ito'y binigyan namin ng reaksyon at kung ano ang ipinahihiwatig ng bawat saknong nito.Nang maguwian ay dumaan muna kami ng isa kong kaklase sa isang Computer Shop para mag padownload ng mga kanta. Matapos iyon ay umuwi na rin kami. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento