Huwebes, Disyembre 26, 2013

Bakasyon :))



 Talaarawan,

  Alas otso ng magising ako, ganon din ang mga kasama ko dahil na rin siguro sa pagod. Habang kumakain ay nagkekwentuhan lang kami, matapos iyon ay  nag punta kami sa la-colina dahil kailangan pa daw ihatid ng kaibigan ko ang regalo nila sa tita nila. Habang pauwi kami ay  sinabi  ng kaibigan ko ng sumama na lang daw ako sa kanila at doon mag bakasyon hanggang 30, natuwa naman ako at sumang ayon pero inaalala ko din na baka hindi ako payagan ng mama ko. Nakakatuwa nga dahil habang nag lalakad kami ay tuwa tuwa sila na akala mo siguradong sigurado na. Nang makarating sa bahay ay agad sila nag paalam sa mama ko, pero ayaw talaga pumayag ng mama ko , kaso makulit talaga kami kaya bandang huli napapayag din namin syempre tuwang tuwa naman kami kasi  magkakasama ulot kami, apat na araw rin akong mag babakaeyon sa kanila. :)

 Nang makarating kami sa kanilang bahay ay wala naman kaming masyadong ginawa nag kulong lang kami sa bahay nila at halos hindi lumalabas :D. Nag basa lang kami ng Ebook, mabuti na lang at hilig din iyon ng kaibigan ko kaya nag kakaintindihan kami . Hanggang sa mag gabi, sabay-sabay kami kumain. matapos kumain ay nahiga na kami, tabi tabi kaming matulog at  ako ang nasa gitna nilang dalawa dahil gusto daw nila akong makatabi :) natulog na ako ng dalawin ako ng antok.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento