Martes, Disyembre 3, 2013

Talaarawan(Dec.3,2013)


 Ngayong araw sa oras  ng Filipino ay may sinagutan kaming mga salitang galing sa akda na may inuulit at ang mga salitang ugat nitoat aming ibinigay ang kahulugan ng mga ito. habang ito'y aming sinasagutan nagkaroon ng tawanan dahil sa iba kong kaklase na sumasagot at dahil na rin nakakatuwa at masayang magturo si Mam at natapos ang aming filipino na masaya :) nagbigay din si Mam ng takdang aralin na kailangan namin magdala ng litrato ng mga babaeng nakagawa ng kabayanihan at kailangan naming alamin  ang  ibig sabihin ng teoryang Feminismo, teoryang nakapaloob sa akdang Banyaga. 
pagkauwian ay hindi agad kami nakauwi ng ilan kong kaklase dahil kami ay may ensayo para sa aming gagawing Jingle sa asignaturang A.P. , ang Jingle ay tumatalakay sa paghinto sa karahasan sa mga kababaihan at kabataan o End VAW (Violence Against Women). Habang kami ay nag-iisip at nag paplano para sa gagawing Jingle kami rin ay nagkasiyahan dahil sa iba't-ibang ideya namin at tungkol sa jingle na aming gagawin. matapos ang aming pagpaplano ay naagdesisyunan na naming umuwi na. Nang ako'y makauwi ay sinimulan ko na rin ang paggawa ng takdang aralin sa ibang asignatura. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento