Martes, Disyembre 24, 2013

Bisperas ng Pasko :)



 Talaarawan,


 Alas otso ng ako'y magising hindi gaano kaaga tulad nung mga nakaraang araw :)
Matapos kong kumain ng agahan ay bumalik ako sa paghiga para mag basa sa Ebook.
ika-24 ng Disyembre nga pala ngayon at bukas ay pasko na ! :) ginawa ko lang ang mga ginagawa ko sa mga normal na araw.Pag sapit ng gabi kung saan ipagdiriwang ang bisperas ng pasko, dumating ang mama ko pati ang mga kuya . dumating din ang papa ko na galing sa trabaho nya, pinag saluhan namin ng biniling pagkain  ng aking mama , hindi na siya nagluto dahil ito'y bukas pa namin lulutuin, Napagdesisyunan namin na mag karaoke hanggang mag pasko na. binati ko na rin ang mga kakilala, kaklase at kaibigan ko ng Maligayang Pako sa text. Hindi pa nag ako tumitigil sa pagkanta kahit anung oras na at kahit  sintunado ang boses ko :). Mga alas dos ng madaling araw ay naisipan ko na ring matulog. Nakakahiya na rin kasi sa mga natutulog :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento