Martes, Disyembre 17, 2013

Hayahay :D


Talaarawan,


 Maaga akong nagising ngayon, alas tres pa lang ay gising na ako hindi ko alam kung bakit. Hindi na lang ulit ako natulog, nag basa na lang ako ng Ebook at hinitay mag alas kwatro.
Nang matapos na akong maligo at kumain ay pumasok na ako sa paaralan, pag dating ko sa silid aralan ang ilan sa aking kaklase ay abalang abala sa pag tapos ng kanilang portpolyo sa Values dahil ngayon ang pasahan nito.Sa asignaturang Mapeh, English at T.L.E. ay nagkaroon kami ng pagsusulit. Nakakatuwa nga dahil sa oras ng Values namin ay wala kaming ginawa at pinayagan kaming mag ensayo para sa gagawin namin sa Filipino.
Sa oras ng Filipino ay pinresenta ng bawat grupo ang kani-kanilang awitin at sayaw na pampasko, at meron pa talaga kaming hurado na mag huhusga sa amin :). Nang matapos ang lahat ng grupo ay ang tula naman ang prinisenta at bukas naman daw ang mga aawit naman.
Nang mag uwian ay sumakay kami ng aking kaklase at nang makauwi ay kumain ako agad at nag basa ng Ebook, nakaramdam naman ako ng antok dahil na rin siguro sa aga kong nagising kaninang umaga.
Nakatulog din naman ako agad at nagising ng pasado alas tres. Nanuod lang ako ng telebisyon dahil wala naman kaming takdang aralin ngayon ! :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento