Sabado, Disyembre 14, 2013

Medyo-Tamad XD


Talaarawan,

 Matapos ang limang araw na pasok, ay sabado narin ! =) at tatlong araw nalang ang ipapasok namin sa paaralan at bakasyon na :) . Ang bilis talaga ng araw at sa susunod na linggo ay aming Christmas Party na.. sana maging masaya :)
 Halos buong araw parang nakahiga lang ako, ganon lang naman lagi ako pag walang pasok o walang ginagawa, nagpaload lang ako sa aking teleono ng pang internet. Habang nakahiga ay nagbabasa rin ako ng kwento sa Ebook. Ganon lang ang aking ginagawa at tatayo lang ako ag kakain o pag may ibang gagawin. sa higaan ko na rin ginawa ang ilan sa aking takdang aralin sa ibang asignatura. ngayon ko na ginawa ang iba dahil sabi ng aking mama ay aalis kami at pupunta daw kami sa Divisoria bukas :D
Sana matuloy -_-
 nang mag gabi ay tinamad rina kong gumamit ng aking telepono, kaya't nanuod na lang ako ng kung ano mang palabas sa telebisyon habang kumakain. maya maya'y inantok narin ako .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento