Miyerkules, Disyembre 18, 2013

Tayo'y Lumangoy! :P


 Talaarawan,


   Maaga akong gumising para sa Christmas Party namin sa St. Vincent Foundation, masaya ako dahil swimming ulit ito, Sa Aqua Park namin ito idadaos. Ako'y biglaan ngang naliban sa klase dahil kagabi ko lamang nalaman na ngayon ang Christmas Party. Alas siete pa lang ay pumunta na ako sa Josefina para puntahan ang aking mga kasabay, pero bago pumunta sa Aqua park ay pumunta muna kami sa paaralan para ipasa ang kwaderno ni Bernard sa Chemistry. Matapos iyon ay umalis na kami bago kami dumiretso sa Aqua park ay nagpunta muna kami sa isang simbahan doon kung saan ay mag dadaos kami ng misa, ito ay aming ginagawa bago mag simula ang isang aktibidad.
matapos ang misa ay nag punta na kami sa aqua park, mayroon itong isang malawak sa swimming pool at may maikling tulay na nag hahati sa lalim nito. Malawak ang resort ngunit hindi ko pa nalibot at napuntahan ang parang gubat doon dahil ipinagbabawal sa amin. Ilang  oras rin akong nag pakasayang lumangoy kasama ang aking kaibigan na ngayon ko lang ulit nakasama :D. Sobrang pagsasaya ay hindi ko na napansin na nag kasugat pala ako sa tuhod pero hindi ko na ito masyado ininda kahit na medyo mahapdi.
Hindi ko na rin pinansin ang sikat ng araw at kung lalo akong umitim :). Nang alas tres na hapon ay nag banlaw at nag bihis na kami ng mga kasamahan ko at nag pasyang uuwi. Nang makauwi ako ay agad akong nagpahinga dahil sa sobrang pagod, maya-maya'y nakaramdam ako ng pag sakit ng aking hita >.<. Hindi na ako masyadong tumatayo dahil medyo masakit pag ako'y naglalakad, kaya't nahiga na lang ako at natulog dahil bukas naman ang Christmas Party  sa aming paaralan! =)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento