Huwebes, Disyembre 19, 2013

Christmas Party! =)


Talaarawan,

  Nagising ako ng ala sais, habang nag hahanda ang mama ko ng agahan ay agad-agad akong naligo dahil ala siete ang simula ng aming christmas party ayon sa aking kaklase nagmadali ako at mas binilisan ang kilos ko dahil baka mahuli ako , nakaalis ako sa amin ng pasado ala siete pero pag dating ko sa paaralan ay hindi pa naman nag sisimula -_-.
Halos mag aalas otso na rin ng kami'y mag simula, sinimulan namin ang aming pagdiriwang sa pagdadasal na pinamunuan ni Pasaylo. Marami sa aking kaklase ang hindi dumalo pero ayos lang, tuloy pa rin naman kahit wala sila :). Marami rin ang mga palaro, karamihan pa nga ay magkakaparehang babae't lalaki. matapos ang mga laro ay nagsayaw sila Tancuan, Abalos at Pagsuyuin at ang Botany Boys. Matapos iyon ay nag bigayan na ng regalo ang mga nagkabunutan.
matapos magbigayan ng regalo ay kainan na ! :) marami rin kaming handa, ang kainan ang huling parte ng aming pagdiriwang. Matapos iyon ay nag pasya na akong umuwi agad, ang ilan sa aking mga kaklase ay gagala pa daw, gusto ko sanang sumama at may nakahanda na akong pera kung sakasakali kaso nga lang ay kailangan kong umuwi dahil may pupuntahan kami.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento