Lunes, Disyembre 9, 2013

Talaarawan(Dec.9,2013)



 Ngayong araw ay medyo maaga ako pumasok dahil may flag ceremony ngayon at ayaw kong mahuli.
sa oras ng Chemistry at may ginawa kaming aktibidad. sa oras ng English naman ay may laro kaming ginawa kung saan kung kanino tumigil ang kahon pagkatigil ng kanta ay sya ang sasagot sa tanong. sa oras ng Math ay nag pangkatan kami at nag-ulat si Maestre at Sarsagat. ngayon ay wala kaming Mapeh dahil Values namin, tinalakay namin ang tungkol sa katatagan sa paggawa at may gawain.
sa oras ng Filipino ay wala si Mam kaya't may pinagawa lang sa aming gawain si Ginoong Mixto tungkol sa Kinagisnang Balon.
nang mag uwian ay hindi agad kami nauwi ng ilan kong kaklase dahil pinresenta namin ang aming jingle. sa apat na naglaban, kami ay nasa ikalawang pwesto , pero ayos lang iyon sa amin. nang malaman na namin ang resulta ay umuwi na kami. mabuti na lang at wala masydong takdang aralin :).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento