Miyerkules, Disyembre 25, 2013

Maligayang Pasko! =)



 Talaarawan,


   Ngayon ay araw ng pasko at napagdesisyunan namin na ipagdiwang ang pasko sa River Bank kasama namin ang pamilya ng aking kaibigan at kababata. Habang inaantay namin matapos ang pagluluto ng aming mga mama ng pagkaing aming dadalhin ay nagkaraoke kami muli.
Mga alas dos ng hapon nang umalis kami sa bahay , nahirapan nga kami makahanap ng masasakyan dahil halos lahat ng dumadaan ay puno.
Mag aalas kwatro ng kami ay makadating sa River Bank. maganda sa lugar na iyon na parte ng marikina, isa itong parke at sa tabi nito ang ilog. maraming pamilya rin ang nandoon at naglatag ng mga tela na parang nag pipiknik. hanggang gabi kami doon,  pagkain , pagkuha ng mga litrato at pagsaya ang aming ginawa doon. Nakauwi kami ng alas otso ng gabi, masaya ako dahil sa amin matutulog ang kaibigan ko at kanyang mama at mga kapatid :D napagdesisyunan nilang sa amin na matulog dahil masyado ng gabi para bumyahe pa sila :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento