Miyerkules, Disyembre 4, 2013

Talaarawan(Dec.4,2013)


 Ngayong araw sa oras ng A.P. kami ay walang guro kaya't ako at ang iba kong kaklase partikular sa mga kalinya ko ay sumagot ng kanya kanya naming alam na Palaisipan. may mga madadali  pero mas marami ang mahirap sagutan, mapapaisip ka talaga sa pag sagot sa mga ito. pero nakakatuwa rin dahil dito nagkaroon kami ng libangan ng mga kamag-aal ko. sa oras ng Filipino naman ay pinasa namin ang aming mga takdang aalin at may sinagutan. pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain ngunit hindi namin ito natapos dahil sa kinulang sa oras at ito'y ipagpapatuloy nalang namin bukas.
sa oras ng T.L.E. ay pinaliwanag sa amin ni Mam Hannah ang aming practicum at may sinagutan sa aming kwaderno.
pagkauwian ay hindi muna kami umuwi ng mga kasamahan ko sa Jingle para muling mag ensayo dahil bukas na daw namin ito ipepresenta. ngayon pa lang din kami gumawa ng mga step kaya't kailangan talaga naming mga seryoso at magka-isa. nang kami ay sigurado na para sa aming gagawin bukas nagpasya na kami magsiuwian dahil hapon na , inabot kami ng 4:30 sa pag-eensayo. pag-uwi ko ginawa ko agad ang mga takdang aralin ko sa ibang asignatura at ginawa ang mga dapat gawin sa aming bahay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento